Nadagdagan ng mahigit 250,000 ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo sa loob lamang ng 24 oras.
Batay sa pinakahuling tala ng World Health Organization (WHO), lumobo sa 259,848 ang kabuuang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 noong Sabado na mas malaki kumpara noong Biyernes na nakapagtala ng 237,743 na kaso.
Ayon sa WHO, ang biglaang pagtaas ng bilang ay nangangahulugan na may 1-milyong bagong kaso ang naitala sa loob ng 100 oras.
Samantala, ang pinakamataas na nakapagtala ng panibagong kaso ay ang Estados Unidos na may 71,484 na kaso; Brazil na may 45,403 na bagong kaso; India 34,884; at South Africa na nasa 13,373.