Patuloy na nakakaapekto sa bansa ang northeast moonsoon o hanging amihan.
Dahil dito, magdadala ito ng maulap at mahihinang pag ulan sa Cordillera, Cagayan Valley, Aurora, Quezon, Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga at Davao Region.
Ayon sa PAGASA, makakaranas naman ng maaliwalas na panahon sa Metro Manila at ibang bahagi ng Luzon, maliban na lang sa pulo-pulong mahihinang pag-ulan.
Inaasahan naman ang malamig na panahon sa mga susunod pang mga araw, ito ay kung saan makakaranas ang Metro Manila ng aabot sa 19 hanggang 29 degrees celsius.
Habang sa Baguio City naman ay aabot sa 10 hanggang 20 degrees celsius.
Samantala, naitala namang pinakamalamig na panahon kahapon sa Baguio City na bumaba sa 10.2 degrees celsius.