Isinusulong ni Senator Sonny Angara na gawin nang legal ang habal-habal o motorcycle for hire.
Ito ay kasunod ng lumalalang lagay ng trapiko sa Metro Manila at madalas na pagkakadiskaril ng mass transit system dahilan para maghabal habal ang maraming Pilipino.
Kasalukuyang ilegal ang habal-habal sa ilalim ng Land Transportation at traffic code na sumasaklaw sa registration at operation ng lahat ng motorsiklo sa bansa.
Ayon sa Senador, malaking hamon sa publiko ang pag-commute sa Metro Manila dahil sa haba ng oras na ginugugol sa pagpasok sa trabaho maging sa mga eskwelahan.
Aniya, hindi ito maaaring baliwalain kung kaya’t isinusulong nito sa ilalim ng senate bill 1025 ang pag aamyenda sa land transportation and traffic code, para payagan na ang motorcycle for hire na marehistro sa land transportation. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)