Pinaplantsa na ng Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) ang guidelines para sa pagbabalik operasyon ng mga provincial bus.
Ayon kay DOTr Undersecretary Artemio Tuazon Jr., posibleng ngayong linggo na rin ilabas ng LTFRB ang guidelines para sa muling pagbyahe ng mga pamprobinsiyang bus.
Una rito, matatandaang sinabi ng DOTr na hindi naman bibiglain, at uunti-untiin lamang ang pagbiyahe ng mga provincial bus.
Sa ngayon, tanging ang mga tren, jeepney, mga taxi, tnvs, UV express, tricycle, shuttle services at mga point-to-point buses lamang ang pinayagang makabiyahe ng pamahalaan sa Metro Manila.