Kumakalat ngayon sa social media ang umano’y pagpapatiwakal ng isang 16 anyos na grade 11 student sa Tupi, South Cotabato dahil umano sa pressure at nahihirapan sa learning modules.
Ayon sa ina ng lalaking estudyante, inirereklamo umano ng kanyang anak na nahihirapan itong intindihin ang modules at gusto na lamang ibalik sa kanyang guro ang learning materials.
Kasunod nito, nakita na lamang na nakabigti ang estudyante sa loob ng kanilang tahanan.
Samantala, trending din online ang umanoy sinapit ng 21 anyos na estudyante sa kolehiyo na sinasabing nagpatiwakal.
Ngunit taliwas ito sa inilalahad ng social media posts na nagpakamatay umano ang estudyante nang hindi tanggapin ng guro ang ipinasa nitong module.
Natagpuan din umano ang biktima na nagbigti dahil sa labis umano ang pag-aalala nito na hindi makabili ng laptop para sa kanyang online classes