Kailangan nang maglabas ang pamahalaan ng supplemental budget para malabanan ang 2019 novel coronavirus (nCoV).
Ito ang binigyang diin ni Albay Second District Rep. Joey Salceda kung saan isinusulong nito ang panukala para sa pagpapalabas ng P800-milyong supplemental budget.
Sinabi ni Salceda na ang hakbang na ito ay upang maituwid ang pagtapyas ng kongreso sa budget ng Department of Health (DOH) para sa disease prevention and control bureau.
Dagdag pa nito, pakikinabangan ito ng nasa mahigit 100-milyong mga Pilipino lalo na’t pinangangambahan ang pagkalat ng sakit sa bansa.
Kaugnay nito, inatasan din ni Dalceda ang Department of Budget and Management (DBM) na humanap ng pagkukunan ng budget kung saan maari aniya itong kunin sa mga mabagal o hindi pa nasisimulang proyekto ng pamahalaan.