Pumalo na sa higit 61.21 million ang bilang ng mga taong mayroon coronavirus disease 2019 (COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa report na inilabas ng Reuters, nasa 1.4 million na ang bilang ng mga nasawi sa buong daigdig dahil sa COVID-19.
Sa ngayon, nasa 42 million naman ang bilang ng mga nakarekober na sa COVID-19 habang nasa 17 million naman ang bilang ng mga aktibong kaso.
Estados unidos pa rin naman ang may pinaka maraming kaso ng COVID-19 na mayroon ng 12 million na kaso, at sinundan naman ito ng India, Brazil, Russia at France.
Samantala, nasa pang-27 pwesto naman ang Pilipinas sa buong mundo na mayroong higit apatnaraang libong kaso ng COVID-19.