Pumalo na sa 60-milyon ang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Batay sa pinakahuling tala ng World Health Organization (WHO), nasa kabuuang 60.2-milyon na ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa buong daigdig.
Sa bilang na ito, nasa 1,400,00 ang bilang ng mga nasawi, habang nasa 42-milyon naman ang mga nakarekober.
Sa ngayon, Estados Unidos pa rin ang nangunguna na may pinakamaraming bilang ng positibong kaso ng COVID-19 matapos itong pumalo sa higit 12-milyon.