Sang-ayon si Senador Sherwin Gatchalian sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagpasok ng militar upang tulungan ang mga pulis na magbantay.
Ayon sa senador, mas takot kasi ang mga tao sa mga militar na nakausuot ng uniporme na fatigue.
Katunayan aniya, malayo pa lang ang mga ito ay nagtatakbuhan na ang mga tao at pumapasok na sa kani-kanilang mga tahanan.
Dagdag pa ng senador, maari namang magdala ang mga militar ng light firearms upang maprotektahan ang kanilang mga sarili laban sa mga pasaway at loko-lokong mga residente.
Samantala, naniniwala naman si Gatchalian na hindi rin gusto ni Pangulong Duterte ng martial law at kanya lamang itong panakot sa mga pasaway at hindi sumusunod sa mga hakbang na ipinatupad ng pamahalaan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.