Lalagdaan na ngayong araw ang formal peace agenda sa pagitan ng Pilipinas at CPP-NPA-NDF kaugnay sa nagaganap na peace talks sa Oslo, Norway.
Kabilang sa napag usapang isyu ay ang indefinite ceasefire ng magkabilang panig at general amnesty para sa natitirang 550 political detainees.
Layon na muli ring bubuhayin ang ceasefire committee para bantayan ang anumang paglabag sa tigil-putukan.
Pati na rin ang joint monitoring committee para sa pagbabantay naman sa mga human rights violation.
Inaasahang gugulong ang ikalawang round ng formal peace talks sa Oktubre.
By Rianne Briones
Photo Credit: OPAPP