Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa mga healthcare professionals at maging sa publiko sa pagbili ng 2 disposable face mask brand na umanoy “unnotified” o hindi dumaan sa evaluation ng ahensya.
Sa inilabas na abiso ng FDA na may petsang Nobyembre 6, 2020, ang 2 brand na tinutukoy na brand ay ang “day maker disposable face mask” at “ainbei disposable protective masks”.
Binabalaan naman ng FDA ang lahat ng kinauukulang establisyimento na huwag mamahagi, mag-advertise o magbenta ng mga nabanggit na brand hanggat hindi pa ito ini-isyuhan ng product notification certificates.
Ang mga lalabag naman dito ay mahaharap sa kasong paglabag sa administratibo at mapapatawan ng multa.