Maaari pang baguhin ng Food and Drug Administration (FDA) ang inisyung emergency use authorization (EUA) sa Pfizer- BioNTech kung mapapatunayang may safety issues.
Ito ay kasunod narin ng lumabas na ulat na 23 senior citizens ang nasawi sa Norway matapos maturukan ng Pfizer vaccine.
Pero sa pagkakaalam umano ni FDA Director General Eric Domingo, ay bago pa man umano magkaroon ng bakuna ay mayroon nang 400 senior citizen sa Norway ang nasawi.
Sa ngayon aniya ay nagpapatuloy parin ang imbestigasyon sa pagkasawi ng mga matatanda sa Norway.
Umaasa naman ang FDA sa magiging ulat ng kanilang counterpart sa Norway at Pfizer- BioNTech hinggil sa naturang usapin.