Aabot sa 500,000 euros o katumbas ng P28-milyon ang halaga ng ibibigay na ayuda ng European Union sa bansa.
Ito ay para sa mga biktima ng sunod-sunod na lindol sa Mindanao.
Ayon kay Christos Stylianides, EU Commissioner for Humantarian Aid and Crisis Management, ipa aabot ang nasabing humanitarian assistance sa pamamagitan ng grupong Action Against Hunger, kung saan ibibigay sa mga pamilya ang emergency shelter, pagkain, inuming tubig, psycho social support, at iba pang tulong.
Kaugnay nito, nag deploy na rin ang EU ng humanitarian expert para sa assessment ng sitwasyon sa lugar na tinamaan ng lindol.