Umapela ang European Union (EU) na huwag munang husgahan ang kampanya ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa iligal na droga.
Sa gitna na rin ito ng kritisismo ng ilang grupo sa pamahalaan kaugnay ng umano’y extrajudicial killings.
Sinabi ni European Union Ambassador to the Philippines Franz Jessen na mainam na magbigay ng reaksyon pagkatapos ng isinasagawang imbestigasyon ng ilang sangay ng gobyerno.
Idinagdag pa ni Jessen na kaysa punahin sa ngayon ang giyera ng bansa kontra droga, nakapokus sila ngayon sa mga proyektong kapartner ang Pilipinas.
By Meann Tanbio | Allan Francisco (Patrol 25)