Nais panagutin ni House Appropriations Committee Chairman Eric Yap sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang employer na nag-abandona sa mahigit 100 construction workers sa project site sa Ortigas, Pasig City.
Nakasaad sa liham na ipinadala ng mambabatas kay Labor Secretary Silvestre Bello III na nais nitong imbestigahan ang Cecon Builders and E.A. Escauso Masonry Contractor dahil sa umano’y kapabayaan nito sa mga manggagawa sa exchange square project na wala man lang pera o pagkain.
Iginiit ni Yap na malinaw na lumabag ang kumpanya sa kanilang tungkulin na pagtiyak sa kapakanan ng mga manggagawa lalo na ngayong may banta ng E.A Escauso Masonry Contractor sa bansa.
Samantala, ipinakausap rin ng kongresista na isama ang mga naturang mangagawa sa COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) ng DOLE.