Isinusulong nina Committee on Public Accounts Chairman Mike Defensor at Good Government and Public Accountability Chairman Jose Antonio Sy-Alvarado ang panukalang magbibigay ng Emergency Powers kay Pangulong Rodrigo Duterte upang ire-organisa ang PhilHealth para malinis ang ahensya laban sa katiwalian.
Sakaling maging ganap nang batas ang House Bill 7832 o Philippine Health Insurance Corporation Crisis Act of 2020, maaari nang buwagin ito ng Pangulo o bumuo ng bagong opisina.
Maaari ring paghiwalayin o pag-isahin na lamang ang mga posisyon at ilipat ang mga tungkulin gayundin ang equipment’s, properties, records at personnel at magpatupad ng drastic cost cutting measure.
Tatagal naman ng 1 taon ang naturang batas para sa Pangulo maliban na lamang kung palalawigin pa ito ng kongreso sa pamamagitan ng paghahain ng isang resolusyon.