Kabilang ang Pilipinas sa mga bansa sa asya na huling nakakarekober sa pagsadsad ng ekonomiya dahil sa pandemyang COVID-19.
Ito ay batay sa report ng moody’s analytics na isang kumpanya na nananaliksik sa mga lagay ng ekonomiya ng ibat ibang bansa.
Ayon kay Asia Pacific Economist ng moody’s analytics Steve Cochrane, iilang bansa pa lamang ang nakakarekober sa pagbagsak ng ekonomiya partikular na sa Asia Pacific dahil hindi naman umano magkakapareho ang sitwasyon ng bawat bansa.
Lumalabas rin sa pag-aaral ng Moodys, na nagawa na ng China, Taiwan at Vietnam na makarekober sa kanilang ekonomiya matapos nitong makontrol ang pagkalat ng virus sa loob lamang ng ilang buwan.
Habang ang Pilipinas, Japan at India naman ay mahihirapan umanong makabangon hanggang sa ika-2 bahagi ng taong 2022.