Inaasahan pang lalong sasadsad ang ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon.
Batay kasi sa pagtaya ng Philippine Economic Managers, posibleng bumaba pa sa 8.5 hanggang 9.5 % ang gross domestic product (GDP) ng bansa sa natitirang bahagi ng taon.
Ito anila ay mas mababa pa sa kanilang unang pagtaya na posibleng pagsadsad ng ekonomiya sa 5.5%.
Ayon sa Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang inaasahang pagsadsad pa ng ekonomiya ay bunsod parin ng ipinapatupad na quarantine restrictions sa bansa.
Samantala, ito na anila ang pinakamababang naitala ngayong taon, na umano’y mas mababa pa sa 7% contraction noong taong 1984.