Tutol si Pang. Rodrigo Duterte na magpatupad ng total travel ban sa South Korea.
Ito ang binigyang diin ni Pang. Duterte matapos na ianunsiyo ni Health Secretary Francisco Duque III na epektibo na ang travel ban sa North Gyeongsang Province ng South Korea.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi siya sa-sang-ayon kung palalawigin pa ang travel sa South Korea.
Aniya, hindi naman dapat ipatupad ang total travel ban sa buong South Korea dahil sa ilang bahagi lamang nito may naitalang kaso ng COVID-19.
Paliwanag pa ni Pang. Duterte, mistula kasing isasailalim sa lock down ang Pilipinas kung irerekumenda ng inter-agency task force on emerging infectious diseases na palawigin ang sakop na lugar ng travel ban.
No, I cannot do that. No country can do that, if the guy is healthy why would you do that. There cannot be a total travel ban, if we do not allow anybody to enter, you are going to lock down the entire Philippines for that,” ani Duterte.