Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang naging ulat sa bayan kagabi na hindi niya malabanan ang katiwalian gayung may mga taong humahadlang sa kanilang isinasagawang hakbang upang mas mapabuti ang gobyerno.
Gayunman, handa naman umano ang Pangulo na humarap sa kongreso upang pagusapan kung paano matatapos ang korapsyon sa gobyerno.
Hinihimok naman ni Pangulong Duterte ang publiko na direktang ireport sakanya ang mga nangyayaring korapsyon.
Binalak na umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumaba sa pwesto dahil nagsasawa na umano siya at nahihirapan nang pigilan ang korapsyon sa bansa.
Ayon kay Pangulong Duterte, simula nang pumasok sya sa gobyerno bilang Prosecutor, Mayor at bilang Presidente noong 2016 ay kanyang napagtanto na walang katapusan ang korapsyon at mahirap itong pigilin.
Samantala, pinangalanan naman ni Pangulong Duterte ang land registration authority na isang ahensya na talamak sa korapsyon maging sa mga probinsya.
Inihayag ito ng pangulo matapos mabanggit na siyay humawak ng ilang kaso laban sa mga opisyal nito noong siya pa’y prosecutor sa Davao City.