Nananatiling “on top of the situation” ang pamahalaan sa paghagupit ng Bagyong Ulysses sa bansa.
Sa pagharap ng Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko, sinabi ng pangulo na malalampasan din ng bawat Pilipino ang anumang sakunang hahagupit sa bansa, basta’t sama-sama itong haharapin ng bawat mamamayan.
Aniya, makatitiyak ang lahat na nakaantabay at nakahanda ang lahat ng ahensya ng gobyerno at nananatiling kaligtasan ng bawat mga Pilipino ang prayoridad ng gobyerno.
The safety of our people remains our top priority. Government will do its best to provide assistance via shelter, food, financial aid, and post-disaster counseling,” ani Pangulong Duterte.
Kaugnay nito, sinagot din ng pangulo ang panawagan ng ilang kritiko matapos na mag trending na namang muli sa mga social media platforms ang #NasaanAngPangulo.
Paliwanag ng pangulo, hindi siya natutulog at kumikilos siya para solusyunan ang problemang ito ng bansa.
Sa katunayan aniya, kung pwede niyang languyin at harapin ng personal ang bagyo ay gagawin niya ito, maipakita lamang ang kaniyang dedikasyon sa kaniyang sinumpaang tungkulin.
Ganito kasi ‘yan ang problema ko. Binabawalan ako ng PSG, ng doktor. Hindi ako maka labas. Ang problema ko binabawalan ako ng PSG, ng doktor. Hindi ako makalabas. Sabi ko gusto ko magpakita sa tao. Gusto kong lumangoy, matagal na akong hindi naligo. Pero ayaw nila,” ani Pangulong Duterte.