Nakatakdang magpatawag ng full cabinet meeting si Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Oktubre 12.
Ito ay kasunod ng naging presentasyon ni National Economic and Development Authority (NEDA) Chief Karl Kendrick Chua sa Pangulo hinggil sa economic figures kung saan lumalabas na tumaas pa ang antas ng kagutuman at kahirapan sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang nakatakdang pagpupulong sa Lunes ay magiging pokus sa lagay ng ekonomiya ng bansa kasunod narin ng unti-unting pagbubukas ng mga negosyo sa kabila ng banta ng COVID-19.
Samantala, inaasahan rin aniyang matatalakay sa pagpupulong ang problema sa transportasyon.