Hindi na interesado si Pangulong Rodrigo Duterte na mapagkalooban ng emergency power para solusyunan ang matinding bigat ng trapiko sa Metro Manila.
Ito’y ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano kung saan sinabi nito na hindi na tutulak pa sa Kamara ang pagbibigay ng emergency power sa pangulo, sa halip ay gagamitin na lamang aniya ng mababang kapulungan ng Kongreso ang kanilang oversight power para masolusyunan ang nasabing problema.
Paliwanag ni Cayetano, dapat na pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang paggawa sa mass tranport system gaya ng tren at subway na tiyak na makatutulong sa mabagal na daloy ng trapiko.
Dagdag pa ng house speaker, malaki ang nawawala sa ekonomiya ng bansa dahil sa tindi ng daloy ng trapiko kaya’t dapat lamang aniya na masolusyunan ito.
Ang pangulo na mismo ang nagsabi na ayaw nga ng emergency powers. We have to move as if there is an emergency power because parami ng parami ang sasakyan particularly Kotse sa metro areas…billions ang nawawala satin,”—ani House Speaker Allan Peter Cayetano.