Pinabulaanan ni Health Sec. Francisco Duque III ang ulat na hindi naire-report ng pamahalaan ang lahat ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.
Ito ang naging reaksyon ni Duque kaugnay ng naging pahayag ni Sen. Panfilo Ping Lacson na maaring may nangyayaring ‘under reporting’ sa kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sinabi ni Duque, wala namang itinatago ang DOH kaya’t wala silang dahilan na hindi i-report ang anumang nangyayari hinggil sa COVID-19 sa Pilipinas.
Paliwanag pa ng kalihim, mayroon ding nararansang ‘global shortage’ sa mga kemikal na ginagamit sa pagsusuri ng mga sample sa naturang virus.
Sa ngayon, inamin ni Duque na nasa 4,500 ang testing capacity ng Dept. of Health.