Parehong handa sina Health Sec. Francisco Duque III at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na unang magpabakuna kontra COVID-19.
Ito ang naging pagtitiyak ng dalawang opisyal, kasabay ng pangamba ng publiko sa bakuna kontra COVID-19.
Gayunman, kapwa naman nanindigan sina Duque at Galvez na hindi ito dapat na ituring na VIP treatment.
Sinabi ni Galvez, layon lamang nilang ipakita sa publiko na ligtas at epektibo ang ituturok sa kanilang bakuna.
Talagang magpapabakuna kami kung ano yung mauna at iyon ang maaprubahan ng vaccine expert panel at maaprubahan ng EUA ng FDA kami ay magpapabakuna, sabi nga ng iba na if you are willing to have your family vaccinated para atleast mapakita natin sa mamamayan natin na ligtas yung bakuna gagawin namin,” ani Galvez.
VIP treatment na naman ito, nauna pa sila so, sa mga ganitong pagkakataon ay ako’y nananawagan na kung kami po’y mauuna isa lang ang aming hangarin para ipakita sa taumbayan na itong bakuna ito na napili at nasuring maigi siguradong ligtas, dekalidad, epektibo,” ani Duque.