Maaring bilateral discussion na lamang sa pamamagitan ng mga bansa ang pagkuha ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Ramon Lopez. Pwede kasing direkta na lamang kumuha ang gobyerno ng Pilipinas mula sa gobyerno ng bansang makade-develop nito.
Kaugnay nito, sinabi ni Lopez na pinaplantsa pa nila ang procurement scheme para sa procurement ng COVID-19 vaccine. Dagdag pa ni Lopez, pinag-aaralan na ni Vaccine Czar Carlito Galvez katuwang ang Philippine International Trading Corporation (PITC) ang procurement scheme sa oras na maging available na ang bakuna.
Kasabay nito, nasa final stages na rin aniya ang binubuo nilang guidelines para sa price cap ng COVID-19 vaccine.