Nagpatupad na ng price freeze ang Department of Trade and Industry o DTI sa ilang mga lalawigan na sinalanta ng Bagyong Usman.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, hindi dapat magtaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa ilang lalawigan ng Bicol region at Eastern Visayas.
Bukod sa pagpapatupad ng price freeze, tiniyak rin ng kalihim na nakomonitor ang DTI sa mga pamilihan upang matiyak na sapat ang suplay ng mga pangunahing produkto.
Samantala, posible rin namang magpadala ng “diskwento caravan” ang DTI sa mga binagyong lugar para sa mas murang bilihin para sa mga mamamayan.