Nanindigan si Senate Minority Leader Franklin Drilon na masasayang lamang ang pondo ng bayan sa operasyon ng forensic laboratory ng Public Attorney’s Office (PAO).
Ito ay matapos na i-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang special provision sa 2021 budget na naglalayong pahintuin ang operasyon ng forensic laboratory ng PAO.
Sinabi ni Drilon, dapat kasing ipaubaya na lamang ang forensic sa mga eksperto mula sa Philippine National Police (PNP), at National Bureau of Investgation (NBI).
Paliwanag ni Drilon, duplication o doble-doble ang pagpayag na mag-operate ang PAO ng isang forensic lab dahil ginagawa na ito ng PNP at NBI.