Binanatan ng mga mambabatas ang Department of Tourism dahil sa patuloy na pagbaba ng tourist arrivals sa Pilipinas.
Ayon kay Buhay Partylist Rep. Lito Atienza, tiyak na mabibigo ang DOT na maabot ang kanilang target na sampung milyong turista ang inaasahang darating sa bansa ngayong taon.
Hindi rin matanggap ng mga mambabatas ang paliwanag ni Jimenez na minana pa nila sa nakalipas na administrasyon ang problemang kanilang kinahaharap.
Sa pananaw ni Atienza, malaki ang pagkukulang ng gobyerno rito dahil sa hindi pa rin masolusyunang problema sa trapiko mapa lupa man o himpapawid
By: Jaymark Dagala