Idudulog na ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang apela ng mga kapamilya ng mga nasawing Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Saudi Arabia.
Ito ay upang maiuwi o mai-repatriate na sa bansa ang labi ng mga nasawing OFWs sa Saudi.
Una rito, binigyan lamang kasi ng Saudi ang Pilipinas ng palugit upang maiuwi sa bansa ang labi ng mga OFWs.
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na napagdesisyunan na lamang ng pamahalaan na ilibing na lamang sa Saudi ang mga labi ng OFWs dahil bukod sa limitadong oras na ibinigay ng Saudi sa Pilipinas, hindi rin ito maibibiyahe dahil ipinagbabawal ng kultura ng mga Muslim ang cremation.
Gayunman, sinabi ni Bello na malakas ang panawagan ng mga kamag-anak ng mga OFWs kaya idudulog nya ang hinaing ng mga ito sa IATF.
Nabatid na nasa halos 300 ang bilang ng mga nasawing OFWs sa Saudi na kailangang maiuwi sa Pilipinas.