Target ng Department of Health (DOH) na maisalang sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing ang nasa 1.5% ng kabuuang populasyon ng mga Filipino sa pagtatapos ng buwan ng Hulyo.
Ayon kay Health Undersec. Maria Rosario Vergeire, sa ngayon kasi ay nasa 50,000 na ang testing capacity ng pilipinas kada araw.
Gayunman, sinabi naman ni Vergeire na bagamat nasa 50,000 na ang testing capacity ng bansa ay nasa 10,500 hanggang 11,000 lang naman ang aktuwal na pagsusuri na naisasagawa kada araw dahil na rin sa mga isyu sa mga accredited laboratories.
Sa ngayon, nasa 59 na laboratoryo pa lamang ang sertipikadong magsagawa ng COVID-19 tests sa Pilipinas.
Sinabi ni vergeire na umaasa ang DOH na magtutuloy-tuloy pa ang aktuwal na pagsusuri na naisasagawa kada araw hanggang hulyo kaya’t kumpiyansa ang DOH na aabot pa sa 1.65-M na mga Filipino ang maisasalang sa COVID-19 tests, mula sa kabuuang 110-M na populasyon sa bansa.