Nanindigan ang Department of health (DOH) na hindi pa rin kailangang pagbawalan ang mga Chinese nationals na makapasok sa Pilipinas.
Sa kabila ito ng tumataas na bilang ng persons under investigation (PUI) dahil sa posibleng 2019 novel coronavirus (nCoV) infection.
Ayon kay DOH Sec. Francisco Duque III, posible kasi itong magdulot ng tensiyon sa China lalo na’t hindi lamang limitado sa mga Chinese nationals at China ang pagkakaroon ng nCoV.
Aniya, kailangan kasing maging maingat ng Pilipinas sa anumang precautionary measures na ipatutupad dahil posibleng kuwestiyunin ng China ang magiging desisyon ng pamahalaan kung mga Chinese nationals lamang ang pagbabawalan na makapasok sa bansa.
Gayunman, tiniyak naman ni Duque na mas pinaigting na hakbang din ang ipatutupad ng DOH para malabanan ang nCoV sakaling makapagtala na ng kumpirmadong kaso nito sa Pilipinas.