Mahigpit nang binabantayan ng mga otoridad ang lahat ng mga darating na biyahero sa bansa.
Ito ang pinag utos ni Health Secretary Francisco Duque III matapos na maitala ang isang misteryosong sakit sa China.
Ayon kay Duque, naka-alerto na ngayon ang Bureau of Quarantine sa mga paliparan at pantalan sa bansa.
Aniya, mahigpit na ring sinusuri ng mga otoridad ang lahat ng papasok sa bansa na mayroong lagnat o anumang sintomas ng respiratory infection.
Batay sa report, naitala sa China ang outbreak ng isang misteryosong sakit na maihahalintulad sa “viral pneumonia of unknown origin” kung saan sumampa na sa 44 na indibidwal ang naapektuhan.