Nakatakdang makipag-ugnayan ang Department of Health (DOH) sa mga OB-Gyne experts para sa pagbabakuna kontra COVID=19 ng mga buntis.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi kasi inirerekumenda ng World Health Organization (WHO), ang pagbabakuna sa mga buntis gamit ang COVID-19 vaccine na likha ng Pfizer.
Dahil dito, kokonsulta aniya ang DOH sa mga eksperto upang malaman ang kanilang posisyon at kung ano ang bakunang ligtas at dapat na matanggap ng mga buntis.
Sa rekumendasyon ng WHO sa rollout ng COVID-19 vaccine na likha ng Pfizer, sinabi nitong hindi nila mairerekumenda ang nasabing bakuna dahil sa kakulangan ng datos.