Kumpiyansa ang Department of Health (DOH) na kaya nitong hawakan ang healthcare system sa bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa second wave na ng local transmission ng COVID-19 ang National Capital Region (NCR) at Central Visayas –partikular na sa Cebu.
Dahil dito, patuloy pa ring tumatanggap ang DOH ng mga karagdagang medical frontliners gaya ng nurses, medical technologists at contact tracers.
Samantala, magugunitang una nang pinayuhan ng pamahalaan ang mga eksperto sa University of the Philippines na paigtingin pa ang contact tracing upang tuluyan nang mag-flatten ang curve ng kaso ng COVID-19 sa bansa.