Bubuo ang Department of Health (DOH) ng ‘Disiplina Brigade’ sa kada barangay, para tutukan kung nasusunod sa bawat komunidad ang minimum health standards.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakikipagtulungan na sila ngayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) upang maibaba sa mga barangay ang naturang panukala alinsunod narin sa BIDA Solusyon ng kagawaran.
Dagdag pa ni Vergeire, target din nilang magkaroon ng mga tinaguriang ‘BIDA Ambassadors’.
Ang BIDA ay kakatawan sa panuntunan na ‘bawal walang mask, i-sanitize ang kamay at iwas-hawak sa mga bagay’, pagdistansya sa isang metro at alamin ang totoong impormasyon.