Aabot na sa higit 1,000 ang maituturing na “in distress” o mga hindi na kumikitang kumpanya.
Batay sa listahan ng Department of Labor and Employment (DOLE), sa ngayon pumapalo na sa 1,400 ang mga in-distress na kumpanya.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, sa mga nasabing kumpanya kinabibilangan ito ng nasa halos 300,000 mga manggagawa.
Matatandaang pinag-aaralan na ngayon ng DOLE ang posibleng pagpayag sa deferment o pagpapaliban muna nang pagbibigay ng mga kumpanya ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado.