Nananawagan ang grupong Bagong Alyansang Makabayan sa Meralco na magbigay ng diskwento sa singil sa kuryente ngayong may krisis sa bansa bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes Jr., milyon-milyon ang nawalan ng trabaho simula nang ipatupad ang lockdown dahilan para umasa ang nakakarami sa ayuda mula sa gobyerno.
Dahil dito, nananawagan ang grupo na magkaroon ng zero-bill o automatic bill waiver para sa first 200 kilowatt-hour na consumption sa kuryente ng mga konsyumer ng Meralco.
Iginiit nito na kahit kasi bigyan ng apat na buwan na palugit ang mga konsyumer ng Meralco ay mahihirapan parin umano ang mga ito.