Pinasususpinde na ng mga pribadong paaralan sa Department of Education (DepEd) ang direktiba para sa mga ‘non-negotiable’ requirements para sa distance learning.
Ayon kay Joel Estrada, managing director ng Coordinating Council of Private Education Associations of the Philippines (COCOPEA), na dapat suspindihin ng DepEd ang kanilang direktiba.
Sinabi ni Estrada, ang kailangan kasi ngayon ng mga pribadong paaralan ay ang polisiya para sa malayang pagpapatupad ng aniya’y flexible learning modalities.
Sa ilalim kasi ng kautusan ng DepEd, obligado ang mga pribadong paaralan na mag-adopt sa online distance learning kabilang na ang pagbibigay ng educational platform, learning system, at iba pa sa mga estudyante.