Binigyan ng Department of Interior and Local Government (DILG) unit ang mga lokal na pamahalaan ng 90 araw para makapagsumite ng kanilang assessment sa mga gusali bilang paghahanda sa mga pagyanig.
Ayon sa DILG Sec. Eduardo Año, umaasa siyang makapagsusumite ang lahat ng Local Government Unit (LGU) sa bansa ng kanilang structural assessment sa mga gusali’t establisyimento sa kanilang nasasakupang lugar.
Sinabi ni Año, dapat na kasing kumilos ng lokal na pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa oras na tumama ang lindol saanmang lugar sa bansa.
Dahil dito, ibinabala ng kalihim na papatawan ng parusa ang mga local government chiefs na hindi makasusunod sa direktiba ng DILG.