Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na hindi pa ipapatupad ang face-to-face classes sa buong bansa.
Ang paglilinaw ay kasunod ng naging pahayag ng kagawaran na magkakasa ito ng pag-aaral kung posibleng ipatupad na ang face-to-face classes sa susunod na taon.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, tanging si Pangulong Rodrigo Duterte at Inter-Agency Task Force (IATF) lamang ang mayroong karapatan na magtakda nito.
Gayunman, sa ngayon aniya ay no face-to-face classes pa rin ang standing policy ng pamahalaan.