Nagbabala ang Deparment of Environment and Natural Resources (DENR) laban sa mga lalabag sa tamang pagtatapon ng mga hazardous materials.
Ito ang iginiit ni DENR Usec. for Solid Waste Management Benny Antiporda matapos na magkalat ang mga gamit na rapid test kits sa Sampaloc, Maynila.
Sinabi ni Antiporda, maaring maharap sa karampatang parusa ang sinuman na mapapatunayan na nagtatapon ng mga hazardous materials sa mga pampublikong lugar.
Paliwanag ni Antiporda, dapat na sumusunod ang mga ospital at laboratoryo sa tamang pagtatapon ng mga hazardous waste gaya ng gamit na face masks at rapid test kits lalo pa’t matindi ang banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.