Patuloy na tumataas ang demand para sa mga office space sa bansa, sa kabila ng pagpapatupad ng istriktong quarantine protocols sa bansa.
Batay sa inilabas na datos ng Leechiu Property Consultants, tumaas ng 34% ang demand para sa mga office space simula nitong enero hanggang mayo.
Nabatid na ang business process outsourcing (BPO) ang may pinakamataas na share sa demand para sa mga office spaces kung saan umaabot ito sa 37% na sinundan naman ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na mayroong labing tatlong porsyento, habang ang natitirang limampung porsyento ng demand naman ay mula sa mga corporate tenants, traditional offices at iba pa.
Sinabi ng Leechiu Consultants na isa ang Pilipinas sa may pinakamataas na demand sa buong mundo para sa mga office spaces.
Matatandaang, ibinaba na sa general community quarantine (GCQ) ang pinaiiral na protocols sa metro manila upang bigyang daan ang mga negosyo na makabalik operasyon para makabangon ang ekonomiya ng bansa.