Hindi lamang ang Philippine Southeast Asian Games Committee (PHISGOC) ang dapat na madiin hinggil sa kakulangan ng preparasyon para sa 30th Southeast Asian (SEA) games.
Ito ang binigyang diin ni House Speaker Alan Peter Cayetano, na siya ring tumatayong chairman ng PHISGOC matapos ang kaliwa’t-kanang reklamo ng mga delegado dahil sa mga aberyang nararansang ng mga dayuhang atleta.
Ayon kay Cayetano, kung hindi lamang nabalam ang budget para sa ngayong taon ay hindi sana narasan ang aberya ngayong SEA games.
Kaugnay nito, sinegundahan din ni Cayetano ang na-unang pahayag ni 1Pacman Rep. Mikee Romero kung saan isinisi nito kay Senate Minority Leader Franklin Drilon ang mga kapalpakan sa SEA games.
Paliwanag ni Cayetano, si Drilon kasi ang nagpanukala na bawasan ng 33% ang budget para sa SEA games para ilipat sa Philippine Sports Commission (PSC).
Dagdag pa nito, halos 6 na buwan ding na delay ang 2019 national budget kaya’t hindi lamang PHISGOC ang dapat na sisihin sa mga nararanasang aberya.