Hindi na palalawigin pa ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang deadline na ibinigay nila sa mga kumpanya para ibigay ang holiday day, at 13th month pay ng mga manggagawa.
Ayon sa DOLE dapat na matanggap ng mga manggagawa ang 13th pay bago sumapit o sa mismong araw ng Disyembre 24.
Una rito, matatandaang sinabi rin ni ALU-TUCP Spokesman Alan Tanjusay na maituturing din na paglabag sa batas kung mabibigo ang mga kumpanya na bayaran ang mga unpaid holiday pay ng mga empleyado hanggang sa Disyembre 31.