Nanawagan si Senator Leila De Lima sa Senado na huwag ibasura ang Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.
Ayon kay De Lima, hindi dapat bawiin ang batas dahil lamang sa maling implimentasyon o pang-aabuso dito ng mga opisyal ng gobyerno.
Aniya, ang dapat gawin ng mga mambabatas ay ayusin ang Implementing Rules and Regulation (IRR) ng naturang batas.
Matatandaang, naging mainit ang panawagan na ibasura ang naturang batas dahil sa muntik na paglaya ng convicted rapist at murderer na si Antonio Sanchez.
Una rito, ipinanawagan naman ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III at Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson ang pagbawi sa batas kung saan pinalalaya ang mga bilanggo na may magandang record.