Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang Davao Occidental dakong alas dose diyes kaninang madaling araw.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa silangang bahagi ng bayan ng Jose Abad Santos.
Tectonic ang origin ng pagyanig at may lalim itong 143 kilometro.
Naitala rin ang instrumental intensity 3 sa Alabel at Kiamba sa Sarangani.
Habang intensity two naman sa Tupi, South Cotabato.
Sa ngayon, sinabi naman ng Phivolcs na bagamat walan namang napinsala sa naturang pagyanig ay asahan ang ilang aftershocks.