Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang Presidential Adviser on Clark flagship programs and projects.
Ito mismo ang kinumpirma ni Executive Sec. Salvador Medialdea kung saan iginiit nitong piso lamang ang sasahurin ni Arroyo kada taon.
Sa isang pahayag, pinasalamatan naman ni Arroyo si Pangulong Duterte, at tiniyak nitong magiging Asia’s economic powerhouse ang Clark.
Sinabi ni Arroyo hindi niya bibiguin si Pang. Duterte sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya nito upang masiglahin ang ekonomiya ng bansa.
Kaugnay nito, ikinagalak din naman ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang pagkakatalagang ito kay Arroyo lalo pa’t nakatitiyak silang malaking tulong ang maibibigay nito para gawing makatotohanan ang plano na maging premier metropolis sa Asya ang Clark.