Tinukoy na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang posibleng dahilan ng pagtama ng magnitude 6 point 9 na lindol sa Davao Del Sur noong Linggo.
Ayon kay DOST-PHIVOLCS Undersecretary Renato Solidum, maaaring dahilan ng malakas na lindol ang pagkilos ng Tangbulan Fault dahil ito lang ang pinakamalapit sa pagitan ng Matanao at Padada.
Aniya, pumalo na rin sa 556 ang naitalang afershocks matapos ang pagtama ng malakas na lindol.
Samantala, nananatili naman sa apat ang bilang ng nasawi sa pagtama ng lindol at kabilang dito ang tatlong naipit sa gumuhong gusali sa Padada habang ang isa ay anim na taong gulang na bata sa Matanao, Davao Del Sur na nadaganan ng pader.
Pinapayuhan naman ang mga residente na naapektuhan ng lindol na ipasuri ang tibay ng kanilang mga bahay para maiwasan ang posibleng disgrasya.