Nasa kamay na ng Kongreso ang pagkakaloob ng umento sa sahod ng mga kawani ng gobyerno.
Ayon mismo kay Pangulong Noynoy Aquino, kailangan dumaan sa lehislatura ang umento sa sahod sa ilalim ng Salary Standardization Law.
May kapangyarihan aniya ang gobyerno na pondohan ang panibagong umento sa sahod ng mga manggagawa sa pamahalaan ngunit kailangan muna itong ihingi ng pahintulot sa Kongreso.
Patuloy na humihirit ng dagdag sahod ang mga kawani ng gobyerno partikular ang mga guro dahil panahon pa ng administrasyong Arroyo nang huli silang bigyan ng dagdag sa buwanang sahod.
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)